Abante Tonite Interactive

Legacy ng ama itutuloy ni Angara

0 234

Makaaasa ang sambayanang Pilipino na ipagpapatuloy ni Senador Sonny Angara ang lahat ng napasimulan ng ‘Alagang Angara’, ang legasiya ng kanyang pamilya, partikular ng kanyang namayapang ama na si dating Senate President Edgardo J. Angara.

Ito ang pangako ni Angara kasabay ng unang taong anibersaryo ng pagyao ng kanyang ama ngayong Lunes.

Sa ngayon, si Angara ay may 15 taon na bilang lingkod bayan, kung saan siyam (9) na taon munang nanungkulan bilang kongresman ng kanilang lalawigan ng Aurora mula 2004 hanggang 2013, at anim (6) na taon bilang senador mula 2013 hanggang sa kasalukuyan.

Abante Hiring – IT dep

“Ito ang ipinama sa akin ng aking ama – ang napakalaking misyon at legasiya na taos-puso kong tutuparin upang makapaglingkod sa mamamayan at sa bayan,” ani Angara.

Ayon pa kay Angara, buong pagmamalaki at bukas-palad niyang tatanggapin ang lahat ng naiwang pangarap ng kanyang yumaong ama para sa mamamayang Pilipino lalo na ang layunin niyang mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat tungo sa pag-unlad, sa edukasyon, kalusugan, trabaho at maayos na pamumuhay. (Dang Samson-Garcia)