Abante Tonite Interactive

Legal ang deal ng AFP sa Mislatel

251

Dear Abante Tonite:

Magandang araw po!

Wala po akong nakikitang masama sa paglagda sa kasunduan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng Mislatel o ng Dito Telecommunity. Batay po kasi sa pahayag ng tagapagsalita ng AFP na si Brig. Gen. Edgard Arevalo, ang kasunduang ito ay para lamang sa pagpayag na ma­ging venue ng Dito Telecom sa kanilang mga facilities ang mga kampo. Ito ay tulad lamang din ng mga naunang kasunduan sa smart at globe.

Sa tingin ko ay wala namang dapat ipangamba ang ating mga kababayan sa usapin ng seguridad. Dahil naniniwala ako na napag-aralan namang mabuti ang kasunduang ito bago pa magkapirmahan noong nakalipas na linggo.

Related Posts

Samakatuwid, ‘wag nating gatungan ang mga tao na nagsasabi na posibleng magkaroon ng data breach na maaaring magamit sa espionage activities.

Nauunawaan ko rin ang saloobin ng iilan kung bakit dapat na higpitan ang seguridad dahil nga konektado ang Dito Telecom sa China Telecom. Tama naman na mag-ingat pero naniniwala ako na masusing napag-aralan, binusising mabuti ng National Telecommunications Commission at ng Armed Forces of the Philippines, kasama na rin ang Securities and Exchange Commission.

Ang sa akin pa nga ay mas makakabuti ito dahil may benepisyong makukuha ang ating mga kababayan dahil mapoprotektahan ang mga telco sites at posible na hindi makaranas ng mga aberya sa signal at sa internet connections sa mga darating na panahon.
Shermaine Anacleto