Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Legalde, Labial harurot sa 50K

0 47

Bumida sina Kent Legalde ng Kent Photography at Alma Labial ng Team Bugah sa Kadayawan Virtual Run 2021 nitong Aug. 20-29 sa Davao City.

Pinamayagpagan ni Legalde ang 50-kilometer male multiple run sa 4 hours, 37 minutes at 50 seconds clocking upang ilagay sa segundo-tersero sina Jeffrey Rivero ng Team Andres Balbin (4:45:13) at Eric Adlawan ng Team Luckas (5:12:59)

Pumoste naman si Labial sa 50km female single run ng 5:09:49 para ilagak sa dos-tres sina Yvonne Cabansay (6:16:11) at Maricor dela Peña na kapwa soloist.

Kapit-bisig sa arangkadahang ito ang Davao Ultra Runners Club Inc., Panabo City at BBGRunEvents Organizer ni Roel Ano. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.