Abante Tonite Interactive

Legarda panalo sa Antique

0 412

Nanalo si Senador Loren Legarda sa kandidatura nito bilang kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng nag-iisang distrito ng Antique.

Batay sa partial and unofficial tall­y ng Commission on Elections (C­omelec) dakong alas-3:50 nang hapon nitong Martes, nangunguna si Legarda na mayroong 198,793 boto sa kanyang kalaban sa pagka-kongresista na si dating Antique Gov. Exequiel Javier na nakakuha lamang ng 69,598 boto.

Ang resulta ng tally ay kumakatawan sa 99.86 porsiyento ng election returns mula sa lalawigan ng Antique.

Nauna rito ay nangako si Legardo na pagbubutihin ang pamumuhay ng kanyang kababayan sa Antique kapag nakaupo sa Kongreso.

“Antique is a beautiful, rich and pristine province. I want to make sure that the people of my province are not left out and that the programs of govern-
ment are actually benefitting the people,” ayon kay Legarda. (Prince Golez)