Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Legarda suportado mga sapatero, MSME sa Marikina

0 133

Nanawagan si senatorial candidate Loren Legarda para sa promosyon at dagdag na tulong ng industriya ng sapatos at iba pang maliliit ng negosyo sa Marikina City.

Ayon Legarda, malaking tulong ang maibibigay ng dagdag na pondo at technical support sa mga gumagawa ng sapatos sa lungsod para makabawi sa kanilang nalugi dahil sa epekto ng pandemya.

“The shoes made in Marikina are of excellent quality, but without adequate support, especially by way of patronizing and marketing the products, and due to the effects of the pandemic, the industry has been struggling to sustain operations,” sabi ni Legarda.

Kilalang tagasulong ng mga maliliit na negosyo si Legarda na siyang may-akda ng Republic Act No. 9501 o Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at pondo para sa mga programa ng gobyerno tulad ng DOLE Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) program, DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) at DTI Shared Service Facilities.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagbibigay ng tulong pinansiyal at pasilidad ang naturang mga batas sa mga MSME at iba pang sektor na gustong magsimula ng maliit na negosyo o pangkabuhayan.

Giit ni Legarda na dapat palakasin pa ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga sapatero at mga MSME ukol sa mga programang pangkabuhayan at ayuda ng gobyerno para sa kanila.

Para mapalakas ang kanyang suporta sa mga taga-Marikina, lalo na ang mga nawalan ng trabaho, nagbigay si Legarda ng tulong sa mga Marikeño sa pamamagitan ng TUPAD program.

“Nasubukan ko na rin pong mag-suot ng gawang-Marikina at bilib ako sa galing ng ating mga shoemaker. That’s why we have to do something to keep the industry alive. We need to boost our local industries, such as shoe-making, because these local industries do not only provide employment and livelihood opportunities, but also serve as part of our Filipino identity,” ayon pa kay Legarda. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.