Abante Tonite Interactive

Legaspi Towers nagliyab, ex-mayor Lim nakaligtas

615

Naabo ang ilang bahagi ng Legaspi Towers matapos sumiklab ang isang sunog kagabi sa may Roxas Boulevard service road corner Ocampo St., Malate, Maynila.

Ayon sa Manila Fire Department (MFD), nagsimula ang sunog, alas-5:51 ng hapon sa ika-pitong palapag ng condominium.

Nabatid na nakatira rin sa nasabing gusali si dating Manila mayor Alfredo Lim at ang kanyang pamilya na ligtas namang nakalabas sa nasusunog na condominium. Nakalabas na rin sa naturang commerical residential Condominium ang mga nangungupahan.

Napaulat na isang lalaki rin na Chinese looking at kilala sa pangalang Mr. Wang ang isinugod sa pagamutan matapos mabalian ng paa nang tumalon sa ika-8 palapag ng condominium.

Habang isinusulat ang balitang ito’y patuloy pa rin ang paglagablab ng apoy sa Legaspi Towers. (Juliet de Loza-Cudia)