Abante Tonite Interactive

Legs ni Juday mala-hamon sa Pasko

577

Iba ‘yung saya ni Judy Ann Santos na nanalo siya ng acting award sa isang prestigious international film festival.

‘Madam’ ang tawag ni Juday sa kanyang Best Actress trophy mula sa 41st Cairo International Film Festival na may imahe ng gintong babae na may hawak na pyramid.

Tsika ni Juday, alam niyang in competition sa Egypt ang pelikula niyang “Mindanao” na dinirek ni Brillante Mendoza, pero hindi siya aware na nominated siya kaya hindi niya in-expect na nanalo siya.

Siksik-liglig daw ang schedule niya kaya hindi siya nakapunta sa nasabing festival. Nagkikiskis siya ng sahig sa bagong branch ng Angrydobo resto nila sa Alabang Westgate habang pinaparangalan siya sa Cairo.

Nanghinayang ba siya na hindi niya personal na natanggap ang very first acting award niya?

“Of course, oo naman. Sino bang hindi? Pero things happen for a reason. Baka nga kung ako at natawag ang pangalan ko, baka hindi ako makaabot sa stage, nahimatay na ako. O baka nag-breakdown ako sa stage.

“But that proud moment, pangarap mo ‘yon eh, makaakyat ka sa entablado ng ibang bansa at maiangat mo ang bandila ng Pilipinas. That’s something na ang sarap ipakita sa mga anak ko.

“Eh wala na akong magagawa, nandiyan na ‘yan. Hindi ko naman puwedeng puwedeng ipa-replay. Baka naman may isa pa! Ha! Ha! Ha!” tawa ng premyadong aktres.

Nataong nag-Japan sila ng mister niyang si Ryan Agoncillo para manood ng concert ng U2, kaya may mga nag-akalang celebration nila ‘yon ng pananalo ni Juday sa Cairo.

Isang umaga paggising niya sa hotel nila sa Japan ay kinunan siya ng pic ni Ryan na naka-display ang hita at binti niya, itsura ng isang sexy star.

“Siyempre, pinipiktyuran ako ng asawa ko, hindi ba ako a-aura? Ha! Ha! Kasi para sa akin, if that’s how my husband sees me, bakit ko naman ipagpakait sa universe ‘yon? Minsan lang naman ako magpa-legs, magpa-Pasko naman. Gusto n’yo ba ng ham? Iberico ba o ano? Ha! Ha! Ha!

“Eh legs lang naman ang puwede kong ipakita, wala naman akong dibdib! So, ngayon pa lang, ii-introduce ko na. I have legs. Big! It’s huge, if you like!” natatawang sey ng Kapamilya Queen of Teleserye.

So, may chance nga ba na masundan pa ang bunso nilang ni Luna?

“Saan? Ha! Ha! Ha!” sagot ni Juday, na tinawanan lang ang tanong namin.

Ang daming nagsasabi na sure nang si Juday ang Best Actress this year sa MMFF, kaya mas nape-pressure si Juday dahil baka isipin daw ng mga tao na ine-expect niya ‘yon.

“Gusto ko siyang isantabi kasi lahat naman ng artista na gumawa ng pelikula para sa MMFF, I’m sure they did their best. So, I’m not expecting anything simply because lahat ito Bsst Actress, kasi pinag-isipan eh, nagbigay ng buong pusong trabaho. Bonus na lang kung sinuman ang mapili.

“Sapat na sa akin na makilala tayo ulit sa ibang bansa. That’s really more than enough. Ine-enjoy ko na ‘to. Okey na okey na ako, Tsong! Wala na akong puwedeng hingin pa!” masayang sambit ng award-winning star ng “Mindanao” na si Juday.

Jona, Angeline dumipensa kay Jeniffer

Na-flatter at na-humble ang clasher na si Jeniffer Maravilla sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Angeline Quinto.

Nag-viral ang video ng failed whistle ni Jeniffer at ang daming naawa sa panlalait sa kanya ng netizens. Bukod kay Angeline ay dinepensa rin pala siya ni Jona, kaya na-touch ang dalaga at na-appreciate niya ang ginawa ng mga ito.

In fairness ay nag-prepare daw talaga siya sa performance niyang ‘yon at sa rehearsal ay nagagawa niya ito, talaga lang daw sigurong hindi siya in-allow ng universe at that moment na maabot ang kanyang whistle register.

Aminado si Jeniffer na belter talaga siya at hindi ganu’n kadali ang mag-whistle, na ayon sa vocal coaches ay mas naa-access daw ‘pag mas nada-damage ang boses ng isang singer.

Hindi naman daw na-bother si Jeniffer na nag-viral siya. Akala niya ay didibdibin niya ang comments ng netizens, pero hindi naman daw. At saka busy siya sa preparation para sa finals ng show, so doon daw siya nagpo-focus.

Ito raw talaga ang passion ng 26-anyos na dalaga at sobra siyang thankful na umabot siya sa finals dahil wildcard siya.

Rendition Queen ang bansag kay Jeniffer dahil nagagawan niya ng kakaibang version ang mga kantang pangmasa, na makaka-relate pati mga tambay sa kanto. Ilan sa mga kinanta niya nang bongga ay “Boom Tarat Tarat”, “Hayaan Mo Sila” at “Sayang na Sayang”.

Mala-concert ang performance niya ngayong gabi na may isa pang matatanggal at bukas na ang inaabangang live finals nito.