Abante Tonite Interactive

Lehitimong asosasyon sa eSports

By
674

Unti-unti nang lu­malawak at napapansin ang malaking oportunidad na bitbit ng electronic sports o eSports.

Ilang malalaking torneo ang nakatakdang isagawa sa bansa na senyales ng patuloy na pag-unlad, na pi­nagdedebatehan kung isa nga bang lehitimong sports ito o kabilang lang sa pampalipas oras na laro.

Unang isasagawa ang Globe Conque­rors Manila 2018 sa Agosto 18-19 na isang bahagi ng Southeast Asian Tour at dedetermina sa kinatawan ng Timog-Silangang Asya para sa taon ding itong League of Legends World Championship.

Magsasagupa ang Pilipinas, Thailand, Malaysia, Singapore, at Indonesia sa serye ng lokal na qualifiers bago magkasama-­sama ang 8 magaga­ling na koponan mula sa limang rehiyon sa main event sa MOA Arena-Pasay.

Habang palaki at palawak ang electronic sports ay kasabay naman ang sulputan ng mga problema tulad na lang sa kung sino ang lehitimong asosasyon o organisasyong dapat na mamahala nito sa bansa.

Kinikilala ng International Electronic eSports Federation (IESF) ang matagal nang namamahala sa eSports sa bansa na Philippine eSports Organization o PeSO. Pero may isang bagong asosasyon na nag-apply para maging national sports associations.

Nagpadala naman ng kanilang apli­kasyon ang eSports National Association of the Phils o ESNAP para maging opis­yal na asosasyon sa paghingi ng basbas ng Philippine Olympic Committee upang maging eSports go­verning body ng digital gaming.

Hindi kaya alam ng mga kasalukuyang namumuno sa POC na mayroon nang naunang kinilalang asosasyon na mamu­muno sa eSports bago pa sila maupo sa kanilang puwesto.

Abangan po ang mga magaganap sa dalawang asosasyon kung sino ang kikila­lanin ng POC.