Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lending collector dedo sa tandem

0 109

Tatlong tama ng baril ang tumapos sa buhay ng 32-anyos na lending collector makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa NIA road, Sitio Pinagpala, Brgy. San Nicolas, Gapan City, Nueva Ecija nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ni PLt. Colonel Crizelda de Guzman, nakilala ang biktima na si Erwin Obillo San Pedro, collector ng Brotherhood Micro Finance, at residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid na dakong alas-nuebe ng umaga, papaalis ang biktima mula sa kanilang tahanan nang lapitan ng mga salarin na lulan ng motorsiklo at agarang isinagawa ang pamamaril.

Bumulagta at nasawi noon din si San Pedro at tumakas ang mga salarin patungong kanluran sa direksiyon ng bayan ng San Isidro.

Walang natangay na gamit mula sa biktima, maging ang bag nitong naglalaman ng koleksiyong pera, kaya’t isinaisantabi umano ang motibong panghoholdap.

Puspusang imbestigasyon ang inutos ni City Mayor Emerson Pascual sa pangyayari gamit ang mga nakalap na CCTV footage. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.