Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leni, 3 anak biyaheng Amerika

0 69

Aalis muna sa Pilipinas si Vice President Leni Robredo kasama ang tatlo niyang anak para magbakasyon sa Amerika matapos mabigo sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo.

Inilahad ni Robredo ang kanilang pagbiyahe papunta sa New York sa kanyang Facebook post nitong Sabado para sa pagtatapos ng anak na si Jillian.

“May daughters and I are leaving for New York today to attend Jillian’s graduation. We will be gone for a few days to just spend time with family and take a well deserved rest before all of us restart the lives we have put on hold,” sabi ni Robredo.

Ikinuwento pa ni Robredo na ito ang unang pagkakataon, mula nang pumanaw ang kanyang mister noong 2012, na bibiyahe silang mag-anak at walang aalalahaning anumang gawain.

Samantala, sa kabila ng sandaling pahinga, sinabi ni Robredo na tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda niya para sa ilulunsad na Angat Buhay NGO sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

Naghahanda na rin umano siya para sa paglisan niya sa Office of the Vice President kung saan papalitan siya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.