Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leni handang tumulong kay Digong sa COVID crisis

0 354

Nagpahayag ng kahandaan si Vice President Leni Robredo na isantabi ang politika sa hangarin na makipagtulungan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa laban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Robredo, handa siyang tumulong sa administrasyon kung bibigyan ng “role” sa pagtugon ng bansa sa pandemic.

“Willing naman po ako parati, I’m always willing. Tingin ko responsibilidad ko, na kung may binibigay sa akin na trabaho, talagang gagawin ko,” pahayag ni Robredo.

Aniya, ang kinahaharap na health crisis ay panahon para sa pagkakaisa ng lahat at dapat isantabi ang politika.

“Dapat wala munang iniisip na politika, wala munang iniisip na mga personal na mga agenda na isinusulong, kasi panahon ito na magtulung-tulungan tayo,” giit pa nito.

Ang tanggapan ni Robredo, sa tulong ng pribadong sektor, ay nagsasagawa ng mga programa para sa mga apektado ng pandemya.

“Ang hinahanap ko lang parati, paano makakatulong iyong opisina namin. Kung saan iyong may gaps, doon naman kam,” aniya pa. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.