Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leni kakasa `pag binitbit ng oposisyon sa 2022

0 621

Nakahanda umano si Vice President Leni Robredo na tumakbo sakaling siya ang mapagkasunduang `unity candidate’ ng oposisyon para sa 2022 presidential elections.

“Assurance ko sa lahat, walang duda na ‘pag ako ang unity candidate, handang-handa ako,” pahayag ni Robredo kanyang lingguhang programa sa radyo.

Aniya, sa kanyang posisyon bilang bise presidente ay matagal na niyang hinanda ang sarili sakaling maging pangulo.

“Matagal na nating pinaghandaan `yan, kasi alam naman natin — ang number one mandate ng pangalawang pangulo, magsa-succeed `pag may nangyari sa pangulo,” aniya.

Samantala, bagamat wala pa umano siyang desisyon hinggil sa anumang political plan, sinabi ni Robredo na ang oposisyon ay dapat na magsilbi para sa ‘best interest’ ng bansa sa pamamagitan ng pagpili ng nararapat na kandidato sa nalalapit na halalan.

Aniya pa, ang kanyang konsiderasyon sa pagtakbo ay maaari ring base sa epekto nang pagpigil sa administrasyong na manalo sa susunod na eleksiyon at mapigilan ang mga Marcos na makabalik sa kapangyarihan.

“Alam natin kung ano ang ginawa ng mga Marcos sa Pilipinas, hindi `yon speculations. Nasa records na iyon ng history. May court decisions na despite na grabe ‘yung fake news, naka-record yan sa history kung ano ang ginawa ni [Ferdinand] Marcos sa bansa natin,” dagdag pa ni Robredo. (Dolly Cabreza/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.