Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leni kay Bongbong: Move on na!

0 63

“Move on na tayo.”

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo matapos ibasura ng Korte Suprema at Presidential Electoral Tribunal (PET) ang protesta ni dating senador Bongbong Marcos.

Bagaman ayaw nang patutsadahan pa si Marcos, sinabi nitong marami kasi silang kailangan asikasuhin tulad ng mga pagbabakuna at pag-alalay sa mga nasasalanta, “Ang akin ay mensahe na lang ng pasasalamat kahit nasubukan ang legitimacy ng mandato tiwala pa din.”

Nagpasalamat din si Robredo sa SC at PE na hindi umano siya nagkulang sa paniniwala sa mga ito na magbibigay at magdedesisyon ng tama at naayon, “Maraming salamat sa PET sa fairness and resolve,” aniya.

Sa desisyon umano ng PET mas makakatutok na silang lahat ng 100 porsyento na paglilingkod lalo na umano sa panahon ng krisis.

Nagpasalamat din si Robredo sa kanyang legal team sa pangunguna ni dating senatorial bet Atty. Romulo Macalintal.

SM food to go Banner Ad

Unanimous ang naging desisyon ng SC na ibasura ang petisyon ni Marcos, na kumukwestyon sa legalidad ng panalo ni Robredo sa nagdaang halalan na nasyunal.

Samantala, ikinatuwa ng mga oposisyong senador ang pagbasura ng Korte Suprema protesta ni Marcos laban kay Robredo.

“Malugod nating tinatanggap ang desisyon. Nais sana natin na dati pa itong napagpasiyahan dahil patunay ito sa ating sinasabi simula’t sapul na ang mga paratang ng pandaraya sa eleksyon ay walang basehan,” sabi ni Senador Kiko Pangilinan, presidente ng LP.

Sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, “I welcome the decision of the Supreme Court sitting as the Presidential Electoral Tribunal. I, together with the more than 14 million Filipinos who voted for Vice President Leni Robredo in 2016, are pleased with the favorable decision of the PET.”

“Mabuti naman at natuldukan na ang isyung ito. Nirerespeto natin ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal dahil ginawa nila ang kanilang mandato nang walang pagkiling at ayon sa ebidensyang inihain sa kanila,” sabi ni Senadora Risa Hontiveros. (Kiko Cueto/ Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.