Abante Tonite Interactive

Leni kay Bongbong: Tanggapin mo talo ka

628

Matapos ihayag ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na muli itong tatakbo sa national election sa 2022, hinamon siya ni Vice Pre­sident Leni Robredo na tanggapin ang naging resulta ng 2016 vice presidential election.

“Kung gusto niya kumandidato uli pwede naman. Karapatan niya iyon. Pero kung kakandidato uli, siguraduhin lang na tatanggapin ang resulta ng eleksyon kasi ‘pag hindi tatanggapin ang resulta ng eleksyon, dinadamay niya ‘yung lahat eh,” pahayag ni Robredo.

Nakabinbin pa rin sa Presidential Electoral Tribunal ang protestang isinampa ni Marcos sa resulta ng 2016 vice presidential election kung saan talunan siya ni Robredo. (Tina Mendoza)