Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leni sa PSG: Huwag na kayong magtakipan!

0 133

Nais ni Vice President Leni Robredo na imbestigahan ang pagpapaturok ng smuggled na bakuna laban sa COVID-19 ng ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

“Dapat maimbestigahan kasi `yon `yong mensahe din na hindi natin palalampasin. Kasi kung palalampasin lang, parang ini-encourge `yong tao na gumawa ng mali kasi parang walang nangyayari, parang walang sanctions,” sabi ni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

Hindi aniya dumaan sa proseso ang pagkuha ng bakuna ng PSG kung kaya’t nararapat lamang na maging transparent ito sa publiko at akuin ang kanilang pagkakamali.

“Sana maging transparent na lang, tapos akuin ‘yong kasalanan. Wala nang cover-up kasi imbes na nakatutok tayo sa mas importanteng bagay, ‘yan na naman ang aasikasuhin natin,” ani Robredo.

Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan ang pagdududa ng mga tao hinggil sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Panelo tinukuran PSG

Ipinahayag naman ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat pa nga bigyan ng papuri ang PSG dahil sa pagpapaturok ng COVID-19 bakuna kahit hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Aniya, inilagay ng mga miyembro ng PSG sa panganib ang kanilang buhay para protektahan ang Pangulong Rodrigo Duterte na huwag mahawa ng COVID.

Binigyang-diin pa ni Panelo na mga frontliner din ang PSG kaya kasama sila sa prayoridad ng gobyerno na mabigyan ng bakuna laban sa COVID.

Wala rin aniyang ginamit na pondo ng gobyerno at sariling inisyatiba ng PSG ang pagpapaturok ng COVID bakuna. (With PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.