Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leni, Sara nagsagutan sa Davao virus sirit

0 177

Nagkaroon ng sagutan ang kampo nina Vice President Leni Robredo at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil sa isyu ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod.

Nauna rito ay iminungkahi ni Robredo na dapat matuto ang Davao City sa ginawang pagtugon ng Cebu City na dating mataas din ang mga kaso ng COVID-19 bagay na sinagot naman ng alkalde.

Sabi ni Mayor Sara, hindi dapat isinasangkot ni Robredo sa pamumulitika umano nito ang pagsirit ng COVID-19 sa Davao City.

May tamang panahon umano para atakehin ang kanyang performance bilang local chief executive kung tatakbo sa pagka-pangulo si Robredo.

Buwelta naman ng kampo ni Robredo, ang kampo umano ng mga Duterte ang pilit na dinidikitan ng politika ang mga kilos ng Bise Presidente.

Suportado naman ng Malacaсang ang naging sagot ni Mayor Sara kay Robredo.

Hindi naman sinagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung ang buweltang sagot ni Mayor Sara kay Robredo ay pahiwatig na tatakbo ito sa 2022 presidential elections kahit ayaw ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Roque na bahala na ang publiko na umintindi kung ano ang kahulugan ng naging pahayag ni Mayor Sara kay VP Leni. (Aileen Taliping/Prince Golez/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.