Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leni umiyak kay Toni

0 78

Hindi napigilan ni Vice President Leni Robredo na maiyak nang mag-heart to heart talk sila ni Toni Gonzaga.

Ibinahagi ni Robredo na hanggang ngayon ay may kirot pa rin ang hindi inaasahang pagkamatay ng kanyang asawang si dating Interior Secretary Jesse Robredo.

Kuwento ng Pangalawang Pangulo, nakatawag pa sa kanya ang mister ilang minuto bago ang naganap na pagbagsak ng sinasakyan nitong isang Piper PA-34 Seneca light aircraft sa dagat malapit sa Masbate noong August 18, 2012.

“Pagpasok ko sa driveway sa bahay nag-ring ‘yung phone niya, sumagot siya. Pero hindi niya ako pinasalita. Ang sabi niya lang, ‘Ma… tawagan na lang kita kasi may inaasikaso lang.’

“So okay, sabi ko tawag ka na lang… binaba ko na ‘yung phone. Umakyat na ako sa kuwarto,” aniya.

Related Posts

“Siguro mga 10, 15 minutes after nung nakausap ko siya tumawag ‘yung security niya. Ang tanong niya sa akin, ‘Ma’am nakausap mo ba si sir?’ Sabi ko sa kanya, five minutes ago. Pero apparently mas longer. Siguro mga 15 minutes na. Sabi ko bakit? Sinabi niya na, ‘Ma’am merun kaming na-receive na report, na may sighting na may small plane na bumagsak sa dagat’,” dagdag niya.

“Until now hindi ako nakapag-grieve properly. Kaya siguro ang hirap mag-move on,” patuloy niya habang nangingilid ang luha.

Inamin ni Robredo na siyam na taon nang wala ang asawa ay hindi pa niya inaalis ang nakasabit na pantalon at basketball shorts na ginamit nito sa pag-treadmill bago umalis.

75% din aniya ng espasyo ng cabinet nilang mag-asawa ay puno ng mga damit ng namayapang kalihim habang ang ibang gamit ni VP Leni ay nasa maleta.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.