Abante Tonite Interactive

Lent at Home

596

Bawal ang mass gatherings dahil umiiral pa rin ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon. Kaya lahat ng mga nakaugalian tuwing Semana Santa, via online muna.

Puwede mo pa rin namang gawin ang mga Catholic tradition ngayong Holy Week kahit nasa bahay lang.

Kung manunuod ng misa online, magset-up muna ng mini altar at magsindi ng kandila para mas solemn ang ambiance. Huwag ding makipagkuwentuhan o chat sa cellphone habang nakikibahagi sa banal na pagtitipon.

Mas OK kung hihikayatin ang ibang miyembro ng pamilya na sumali rin sa panunuod ng misa online. Basta siguruhin lang na may social distancing pa rin.

Pati visita iglesia sa Huwebes, online na rin muna. Gamit lang ang cellphone, puwede mong mabisita ang iba’t ibang simbahan sa Metro Manila.

Panahon din ng pagtitika at pag-aayuno ang Semana Santa.

Sa mga sagrado Katoliko, bawal kumain ng karne sa ganitong panahon. Alternatibo nila ang pagkain ng isda – masustansiya na, masarap pa.

Sabi ng mga medical expert, “fish is among the healthiest foods on the planet.”
Taglay nito ang maraming nutrients gaya ng protina at Vitamin D. Best source din ang isda ng omega-3 fatty acids na kailangan ng utak at katawan ng isang tao.

Maraming klase ng isda. Pinakamasustansiya raw ang mga fatty kind of fish gaya ng salmon, mackerel, tuna at sardines.

Sa pagkain ng isda, bumababa rin ang tsansang ma-stroke at atakehin sa puso ang isang tao.

Bukod sa isda, alternatibo rin sa karne ang gulay. Ugaliing kumain nito para laging malusog ang pangangatawan. Dagdagan na rin ng prutas na mayaman sa Vitamin C para may pangontra sa virus.

Ang ibang deboto naman, nakukuntento na lang sa pag-inom ng tubig – literal na fasting tuwing Semana Santa.

Ang ilan naman, hindi nagbubukas ng telebisyon o anumang maiingay na kasangkapan gaya ng radyo bilang pakikiisa at pakikidalamhati sa pagpapakasakit ni HesuKristo.

Ang sa akin lang, may kanya-kanya man tayong paraan ng paggunita sa Semana Santa, huwag sanang ma kalimutan ang tunay na kahulugan nito – ang pagtubos ni HesuKristo sa kasalanan ng sanlibutan.

 

Tonite – Wendys Inhouse Ad