Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leonard, Clippers iiwas sa ‘kumunoy’

0 47

Umuwi ng Los Angeles ang Clippers na lubog na naman sa 0-2.

Sa first round ng Western Conference playoffs, naiwan din ang Clippers nang agawin ng Dallas ang unang dalawang laro sa Staples Center.

Nakabawi sina Kawhi Leonard at Paul George, napuwersa ang deciding Game 7 bago dinispatsa si Luka Doncic at Mavericks sa LA.

Mas mabigat ang top seed Utah Jazz, hindi pinaporma ang Clippers sa unang dalawang laro sa Salt Lake City.

Susubukang ilapit ng Clippers ang serye sa Game 3 ngayon sa harap ng sariling fans.

Sakit ng ulo ng Los Angeles si Donovan Mitchell, nagsalansan ng 45 points sa 112-109 win ng Jazz sa opener – mas marami pa sa 43 combined nina Leonard at George.

“It’s a lot of uphill, but we’re optimistic that we can get this under control and try to tie this series up,” giit ni George, may 27 points sa 117-111 loss sa Game 2.

Hindi masawata ng Clippers si Fil-Am Jordan Clarkson. Noong huli ay nagbaon ng anim na tres ang Sixth Man of the Year ng Utah.

Inari din ni three-time Defensive Player of the Year Rudy Gobert ang paint, kumalawit ng 20 rebounds at may 3 blocks para sa Jazz sa Game 2. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.