Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leonard, Clippers nilunod ng Spurs

0 236

Nagliyab ng career-high eight 3-pointers si Patty Mills at naligtasan ng San Antonio Spurs si Kawhi Leonard at ang Los Angeles Clippers 116-113 sa 75th NBA 2020-21 regular season game sa Staples Center Martes ng gabi.

Umiskor ng team-hight 27 si Mills off the bench, nag-deliver din ang kapwa-reserves niyang sina Rudy Gay (16 points, 7 rebounds) at rookie Devin Vassell (12 points) para putulin ang four-game skid ng San Antonio na may 3-4 win-loss record.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ambag pa si Dejounte Murray ng 21 points, 14 kay LaMarcus Aldridge at humablot ng career-best 11 rebounds si Keldon Johnson na sinahugan ng 9 points para sa winning team. Nagkasya sa 6 points si DeMar DeRozan bagama’t may 5 rebounds at 6 assists.

Hindi umubra ang double-double na 30 points, assists ni Leonard sa dausdos ng team sa 5-3. Wala si Paul George (ankle), umayuda ng 21 points si Nicolas Batum at may 20 points, 8 rebounds at 8 assists si Patrick Beverley. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.