Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leonard, George kinuyog Oklahoma

0 193

HINDI pumapasok ang 3-pointers ng Clippers, bumawi sila sa free throw line para takbuhan ang Oklahoma City Thunder 120-106 sa Staples Center Biyernes ng gabi.

Pinahaba ng Los Angeles ang home win streak sa lima at sixth straight overall.

Dinoble ng Clippers ang output ng Thunder sa first quarter 36-18, mula roon ay hindi na lumingon.

Namuno sa LA ang 31 points, 8 rebounds ni Kawhi Leonard at 29 at 7 ni Paul George. May double-double na 17 points, 11 rebounds si center Serge Ibaka at 14 markers pa kay Nic Batum.

Isa lang ang sumablay sa 25 biyahe ng hosts sa stripe, panapaw sa 10 for 33 clip sa labas ng arc.

Mas maganda pa ang stat line ni Kawhi sa line na perpektong 10 of 10 kumpara sa buong team ng Thunder na 10 of 13.

Binitbit ng 30 points, 8 assists ni Shai Gilgeous-Alexander ang OKC, umayuda ng 19 points si Lu Dort.

Lunes ng gabi ay susubukang rumesbak ng Thunder. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.