Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leonard, George nag-alsa

0 82

Nagsabwatan sina Paul George at Kawhi Leonard para itulak ang Clippers sa 108-101 panalo kontra kay Stephen Curry at Warriors Miyerkoles ng gabi 2020-21 NBA game sa San Francisco.

Ibinaon ni Leonard ang tying basket kulang 7 minutes pa sa laro, sa sumunod na posesyon ay inilagay ng jumper sa unahan ang Los Angeles.

SM food to go Banner Ad

Tumapos si Leonard ng 21 points, bumalik mula one game absence si George (ankle) para maglista rin ng 21 markers at 12 rebounds.

Ilang araw matapos ang career-night, nanlamig ang pulso ni Curry at nagkasya lang sa 13 points. Inabot pa ng ankle injury ang two-time MVP sa dulo ng laro pero mukhang hindi naman kailangang ipahinga. ()Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.