Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leonard type ng Heat, Mavs

0 88

Interesado kay Kawhi Leonard ang Miami Heat at Dallas Mavericks, ayon sa ulat ni Kevin O’Connor ng The Ringer.

Pati New York Knicks, makikisali sa mga maghahabol sa two-time Finals MVP sakaling subukan ang free agency.

Natapos ang season ng Los Angeles Clippers, pinanood lang ni Leonard ang talo ng team sa anim na laro sa Phoenix Suns sa NBA Western Conference finals nitong Miyerkoles.

Inabot ng knee injury si Leonard sa second-round series kontra Utah.

May player option ang five-time All-Star para sa 2021-22 season – puwede niyang kalasan ang kontrata para pumirma ng mas paldo at mahabang deal sa Clippers, o maghanap ng ibang team matapos ang dalawang seasons sa LA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mukhang wala namang problema si Kawhi sa kanyang team. Clippers lang ang pinili niyang puntahan makalipas magkampeon sa Toronto noong 2018-19.

Si Luka Doncic ang pangunahing alas ng Mavericks para itambal kay Leonard.

Ang Heat, may ipapain na Jimmy Butler at Bam Adebayo.

Nanggulat ang Knicks noong nakaraang season, baka maengganyo si Leonard na makipag-tandem kay Julius Randle. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.