Abante Tonite Interactive

Leonard umiiwas kay Popovich

3,780

Pormal nang miyembro ng Toronto Raptors si Kawhi Leonard matapos pumasa sa physical kasama si Danny Green.

Sina Leonard at Green ang bahagi ng package na nagdala kay DeMar DeRozan sa San Antonio Spurs.

Wala ring problema sa physical ni DeRozan sa Spurs, ayon sa ESPN.

Sa isang podcast nitong Martes, ibinunyag ni Green na matagal na rin siyang may torn groin muscle pero nagtuloy pa sa paglalaro sa San Antonio.

Huling naglaro si Leonard noong Jan. 13, nasa sideline na sa kabuuan ng season dahil sa rehabilitasyon ng kanyang quad injury. Naka-siyam na laro lang siya sa Spurs nitong 2017-18.

Isa pang source ng ESPN ang nagsabi na hindi raw sasama si Leonard sa Team USA minicamp sa Las Vegas sa susunod na linggo. Si Spurs coach Gregg Popovich ang coach ng Team USA.

Sa halip na pumunta sa minicamp, gagamitin na lang daw ni Leonard ang pagkakataon para paghandaan ang transition sa bagong team.