Abante Tonite Interactive

Leonardo DiCarpio,Emma Stone nanood sa concert ni Paul McCartney

278

Ang mga natitirang miyembro ng The Beatles ay muling nagkita noong Sabado ng gabi – para sa pagtatapos ng “Freshen Up” world tour. Inimbitahan ni Paul McCartney ang dating kasamahang drummer sa The Beatles na si Ringo Starr sa entablado sa harap ng nagtitiliang 58,000 na tagahanga sa Dodger Stadium, Los Angeles.

Labis ang kasiyahan ng mga nanood sa concert ni Paul McCartney.
Walang humpay ang sigawan ng audience sa Dodger Stadium nang kantahin nila ang Beatles hit song na “Sgt. Pepper’s Lonely Hearts Club Band” at “Helter Skelter”.

Ito na ang huling concert ng 77-anyos sa kanyang “Freshen Up” world tour.
Umabot sa 38 na kanta ang ipinamalas ni McCartney kung saan nagbigay ito ng tribute kay George Harrison na kinanta ang “Something” at John Lennon na kinanta ang “Here Today”.

Ilan sa mga sorpresa ni McCartney sa kanyang concert ay ang pagdala sa Eagles guitarist na si Joe Walsh.

Ito ang huling gabi ng North American tour na nagsimula noong huling Linggo ng Mayo sa New Orleans. Pero ang beteranong rocker ay mukhang hindi pa handang huminto sa pagku-concert.

Tinapos niya ang concert sa pamamagitan ng pagpapaalam. Paalam Amerika.
“We’ll see you next time.”

May mga sikat na artista ring nanood sa kanyang konsyerto. Kabilang si Leonardo DiCaprio na kasama ang kanyang ina na si Irmelin at stepdad na si David Ward at ang kasintahang si Camila Morrone.

Nanood din si Emma Stone kasama ang kanyang partner, aktor at direktor ng “Saturday Night Live” na si Dave McCary. (Lourdes Fabian)