Abante Tonite Interactive

Leptospirosis biglang dami, NKTI gym umapaw

217

Dumarami ang bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Nabatid na 15 pasyente na ang nasawi dahil sa leptospirosis.

Para ma-accommodate ang mga pasyente, ginawa nang hospital ward ang NKTI gym.

Ayon sa ulat, nasa 98 pasyente na ang dinala sa NKTI matapos magkasakit dahil sa leptospirosis mula Enero 1 hanggang Agosto 19 ngayong taon.

Dahil sa pagdami ng mga pasyenteng nagkasakit ng leptospirosis, pinayuhan ng NKTI ang publiko na konsulta o magpatingin agad sa doktor kapag nakaramdam ng mga sintomas ng nasabing sakit.

Kabilang sa mga sintomas nito ay mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pamumula ng mga mata, pananakit ng sikmura, diarrhea, pagsusuka, mga pantal sa katawan at pananakit ng mga kalamnan.