Abante Tonite Interactive

Leren Mae beach babe ang dating

0 390

Kakaiba ang hatid na kariktan ng beauty queen na si Leren Mae Bautista.

Ang kanyang Instagram post recently ay astig ang dating kung paseksihan lang ang pag-uusapan.

Dito’y oozing with sex appeal si Leren habang nasa isang magandang beach sa Bantayan Island, Cebu. Suot ang black two piece bathing suit, lalong lumutang ang kanyang kaseksihan sa makurbang katawan, makinis na legs, at ang takaw-pansin niyang dibdib na punong-puno ng hotness.

Si Leren Mae na representative ng Laguna at tubong Los Baños ay nanalo bilang Binibining Pilipinas Globe 2019. Ang 26-year-old model ay may taas na 5’8” at graduate ng kursong Marketing sa Colegio de San Juan de Letran.

Siya ay itinanghal namang 2nd runner-up sa 2019 Miss Globe pageant na ginanap sa Ulcinj, Montenegro last month.

Normal lang naman na pagpantasyahan ng mga kalalakihan ang isang babae, lalo na sa tulad niyang beauty queen.

Mahirap kasi talagang magpigil ang isang lalaki na hangaan ang alindog ni Leren.

Sa flawless at yummylicious na tindig ng dalagang ito, walang lalaking hindi mauuhaw sa kanyang masabaw na kariktan. Panalo kasi ang porma ni Leren, saan mang anggulo silipin! (Nonie Nicasio)