Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leren Mae mapanukso ang awra

0 74

NI:NONIE NICASIO

Takaw-pansin ang mabibistahang alindog ni Leren Mae Bautista. Ito ang makikita sa Instagram account ng theqrownph.

Nakagigigil ang porma niya, sa suot na hot na hot na swimsuit. Katakam-takam ang ibinalandra niyang hotness dito.Tiyak na maraming barako ang nanlaki ang mata at nag-init ang tainga sa kanya.

Matamis na ngiti pa lang ni Leren Mae ay matutulala na ang maraming boys. Idagdag pa ang kanyang beauty, kaseksihan at charm. Sadyang mapanukso ang awra ng dalaga.

Si Leren Mae ay isang model at graduate ng kursong Marketing sa Colegio de San Juan de Letran. Itinanghal na Binibining Pilipinas Globe noong 2019 at eventually, 2nd runner-up sa 2019 Miss Globe pageant na ginanap sa Ulcinj, Montenegro.

Siya ang kinatawan ng Laguna sa gaganaping 2021 Miss Universe Philippines beauty pageant.

Sadyang hindi maiiwasang mag-react ang kalamnan ng sinumang kalahi ni Adan, kung tulad ni Leren Mae ang kanilang masisilayan. Para sa maraming mga kalalakihan, pampabuwenas pagmasdan ang tulad ng kariktan ng dalaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.