Abante Tonite Interactive

Lesbian movie bet ipasilip ni Cindy sa taga-Bb. Pilipinas

323

Naka-table namin si Cindy Miranda nu’ng birthday party kamakailan ni Tita Annabelle Rama at panay ang chika nila ni Ruffa Gutierrez.

Kung hindi kami aware na nasa Viva si Cindy ay iisipin namin na alaga ito ni Tita Annabelle dahil parang ka-chummy nito ang mga Gutierrez.

Si Cindy ay Bb. Pilipinas-Tourism 2013 na ngayon ay nag-aartista na. Sey niya, once a Binibini, always a Binibini.

Kaya kahit nagpaka-daring siya sa pelikulang “Adan”, sa puso raw ni Cindy ay Binibini pa rin siya, kaya lang ay isa na siyang aktres na may ginagampanang role.

Lesbianism ang tema ng erotic thriller na “Adan” pero hindi raw ito soft porn, sabi ni Cindy. Aniya, sana ay mapanood ito ng mga taga-Bb. Pilipinas para makita raw ng mga ito na hindi malaswa ang pelikula.

Pinupuri ni Cindy ang co-star at kapareha niya rito na si Rhen Escaño, na mapangahas din pala sa Cristine Reyes-Xian Lim movie na “Untrue”.

Sey ng dalawa, nagbigayan sila sa mga eksena at ibinigay nila ang lahat sa pelikula. ‘Flawless’ daw at ‘smooth’ ang kanilang intimate scenes na after nilang gawin ay parang wala raw nangyari.

Puwede raw isipin na baka lesbian sila pareho, pero sabi nina Cindy at Rhen, they’re both straight at wala silang experience with another girl although may mga nanligaw sa kanila before.

Pareho raw silang galing sa conservative family, pero dahil maganda ang materyal ng “Adan” at nasa tamang edad na sila ay ginawa nila ito.

Nilinaw nina Cindy at Rhen na hindi sila nabastos sa pelikula. Kahit daw sexy ito at ipinakita nila ang mga katawan nila ay hindi raw ito malaswa at acting piece daw ito.

Katwiran ng dalawa, kung tanggap dito sa atin ang gay movies, sana raw ay matanggap din ang mga lesbian movie na kagaya ng “Adan”.

Ani Rhen, sana ay mas buksan ang mga isip ng mga manonood dahil 2019 na. Maganda rin daw na ipakita natin sa mga kapatid nating lesbiana na hindi sila nag-iisa.

Wish nilang hindi mahirapan ang matapang nilang pelikula sa MTRCB at walang matanggal na eksena, tapos ay marami ang manonood nito.

Sa November 20 ang showing sa mga sinehan ng “Adan” mula sa Viva Films, sa direksyon ni Roman Perez Jr.

Hindi si Bong: Isko target sa serye ni Alden

Hindi si Senator Bong Revilla ang binabalak i-guest sa Kapuso seryeng “The Gift” ni Alden Richards kundi ang mabangong-mabango ngayong si Manila Mayor Isko Moreno.

Gusto talaga ng mga taga-“The Gift” na mag-guest sa kanila si Yorme lalo pa’t Maynila ang setting nila at sa simula pa lang ay lagi nang nakikita rito ang mga eksena sa Quiapo at Divisoria.

Nagpasabi na sila sa butihing mayor, hinihintay na lang nilang magbigay ito ng schedule bilang nakapa-busy nga ni Yorme Isko.

Aabangan namin ang guesting na ‘yon ni Mayor Isko at sana ay may maisip si Direk LA Madridejos na bonggang eksena nila ni Alden.