Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lespu natakasan ng babaeng preso

0 58

Nakaeskapo ang isang presong babae matapos na magreklamo ng pananakit ng tiyan at dalhin ng mga awtoridad sa ospital sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang pugante na si Lorena Miguel Dayao, 35, may live-in partner, ng Litex Rd, Brgy Commonwealth, QC.

Sa report ng Kamuning Police Station (PS 10) ng Quezon City Police District, alas-11:30 ng gabi) nang makatakas ang suspek sa Ob-Gyne Section ng East Avenue Medical Center, sa lungsod.


Sa imbestigasyon ni PSSg Roy Estillero, ng PS 10, alas-nuwebe ng gabi nitong August 3, ay nagreklamo si Dayao nang pananakit ng tiyan.

Bago umano nakulong si Dayao ay nakunan ito at nagka-kumplikasyon kaya dinala ng duty jailer na si PSSg, Ariel Traspe kasama si PCpl Kenneth Darel Asuncion, ng Station Health Unit sa nasabing ospital.

Sa ospital ay nakipagkita umano si Dayao sa live-in partner nito na si Reynaldo Cacho at nagpaalam na pupunta lang sa CR hanggang sa pumuslit na ang mga ito.

Sa record, July 19 nang arestuhin si Dayao matapos na makumpiskahan ng shabu. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.