Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Letran, Mapua ititiklop karibal

0 35

Mga Laro Ngayon:

(FilOil Flying V Centre)

(Final Four)

12:00noon — ** Letran vs Perpetual Help

3:00pm — ** Mapua vs San Beda

(** May twice-to-beat bonus)

PUPUNTIRYAHIN ng parehong defending champion Colegio San Juan de Letran Knights at Mapua University Cardinals na samantalahin ngayong araw ang tangan na twice-to-beat na bentahe sa magkahiwalay na tagpo kontra matikas na UPHSD Altas at 2019 runner-up winner San Beda University Red Lions upang makaabante sa pagtatapat sa Finals ng 97th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makikipagharap sa unang laro ang undefeated na Letran Knights laban sa Kim-Aurin less na Perpatual Altas sa unang laro sa alas-12:00 ng tanghali, na susundan ng mainit na bakbakan ng No.2 Mapua Cardinals at maghihiganting SBU Red Lions sa main game sa alas-3:00 ng hapon.

Mapapasabak ang Letran Knights kasunod ng mahabang bakasyon sapol nang makuha nila ang huling laro sa elimination round laban sa SBU Red Lions nitong Abril 29, kung saan mayroon namang mainit na four-game winning streak laban sa Lyceum Pirates at Emilio Aguinaldo Generals sa eliminations, at play-ins laban sa Arellano University Chiefs at College of St. Benilde Blazers.

“Ang iniisip namin dito ay yung haba nung break. We rested from 9-10 days [nung Holy Week] and pagbalik namin flat-footed kami at wala sa timing. ‘Yun ang concern namin, yung break na nakuha naming,” wika ni Letran head coach Bonnie Tan kasunod ng huling panalo at laro 59-56 kontra sa Red Lions.

Naging malaking tulong para sa Altas si Aurin na gumawa ng 22 points laban sa LPU, 14 puntos sa EAC Generals at 16 marka sa AU Chiefs, kung kaya aminado si Altas coach Myk Saguiguit na malaking kawalan si Aurin, na tinamaan ng chickenpox, para tapatan ang mga beteranong manlalaro at firepower ng Muralla, Intramuros-based squad na pangungunahan nina leading MVP at Rookie of the Year contender Rhenz Abando at Jeo Ambohot, katulong pa sina 2019 Finals MVP Fran Yu, Louie Sanggalang, Brent Paraiso, Paolo Javillonar at Christian Fajarito

“Walang ma-identify na ma-stop sa Letran kasi lahat sila capable. We need to stop them as a team,” ani Maguiguit sa mensahe sa Abante Sports. “[Kaya] malaking kawalan kasi ‘yung experience niya [Aurin] na ang maka-matchup doon sa mga beteranong players ng Letran.”

Kinakailangang tapatan nina Jiello Razon, Lean Martel, Rey Barcuma rookie Mark Omega at mga magic-hugot na sina Cris Pagaran, Jeff Egan at JB Boral para punan ang puntos na mawawala mula kay Aurin na kanilang namang binuno sa 76-64 tagumpay laban sa CSB Blazers nitong Miyerkoles sa play-in stage para sa huling silya sa Final Four. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.