Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Letran may alas na kami – Fernandez

0 76

Bulilyaso sa Colegio de San Juan de Letran Knights sa National Collgiate Athletic Association (NCAA) Season 95 men’s basketball four-peat title noong Nobyembrea ng San Beda University Red Lions, kaya walang ibang nasa kukote kundi resbakan ang mga kabalyero.

“Alam natin na Letran is the defending champion so we are trying to redeem ourselves that we loss the crown last year,” giit ni Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III sa Abante TONITE Sports nitong Huwebes.

Naglaho man sina seniors Clint Doliquez at AC Soberano na mga umakyat na sa pros (Philippine Basketball Association), hinirit ng Mendiola-based hoopsters coach na may mga panapal na siya para tapatan ang karibal buhat sa Intramuros sa nakatakdang Season 96.

“We have,” namutawi kay Fernandez patumbok sa bagong recruit. “Medyo marami-rami nga, pero we are holding that for now kasi nga gusto naming i-secure.”

Pero klinaro rin ng 49-anyos na tactician na secured at committed nang maglaro sa kanila ang champion Red Cubs na sina Rhayyan Amasali, Winston Ynot, Justine Sanchez at Yukien Andrada. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.