Abante Tonite Interactive

‘Let’s do it again’ — Chito

0 231

Kumpiyansa si coach Chito Victolero na pagsiklab ng PBA Governors Cup sa Sept. 20 na kumpleto’t gumagana na lahat ang piyesa ng Magnolia Pambansang Manok para umpisahan ang pagdepensa ng titulo ng season-ending conference.

Bukod sa pagpapanatili ng korona, babawi rin ang Hotshots mula sa ‘di kagandahang finish sa Commissioner’s Cup.

“Kaya we’ve come up with the battle cry na ‘Let’s do it again,” anang coach.

Abante Hiring – IT dep

Aminado ang bench tactician na mahirap idepensa ang titulo dahil mala-lakas din ang ibang teams.

“Pero sabi ko nga sa mga player, we cannot do anything less kundi mag-try and give our best, then live with the result,” wakas niya. “For sure, ‘di basta-basta makukuha title namin.”

Natalo sa San Miguel Beer sa finals ng Philippine Cup nitong May, pumanlima ang Magnolia sa midseason tourney tapos walisin ng Ginebra sa quarterfinals.

Naging problema ng Magnolia ang imports sa Commissioner’s Cup, kundi injured ay ‘di naman sumakto sa sistema ng team.

Sinimulan nila ang torneo kay injured John Fields, pinalitan ng wala sa pormang si James Farr bago isinagupa si Rakeem Christmas sa stretch ng torneo.

Sisiguruhin ng Hotshots na ‘di magkakaaberya ang kampanya sa susunod na tournament. (Vladi Eduarte)