Abante Tonite Interactive

Letter to the Editor: Mahirap paniwalaan

7

Dear Editor:

Ayon sa resulta ng ballistic exams na ginawa ng PNP, ang mga bala na tumama sa katawan ng tatlong sumama sa rally sa Kidapawan ay hindi ga­ling sa ating kapulisan. Talagang nais ng mga organizers na mayroong mamatay sa kanilang hanay upang mapagbintangan ay ang ating kapulisan. Nang sa ganoon nga naman ay makuha nila ang simpatiya ng international community at ma­ging ang ating sambaya­nan. Buhos na naman ang resources sa kanila.

Ngayon ang mga kaanib ng NPA sa Bukidnon ay sinamsam ang laman ng warehouse ni Councilor Helen Bernal ng Valencia City, Bukidnon. Humigit-kumulang ang nakuhang sakong bigas ay 1,384. Bukod sa sakong bigas ay sinasam­sam din nila ang 2 flat-screen CCTV monitors, automatic voltage regulator, TV set, computer unit, printer, 15 cellphone batteries, carpentry tools at P30,000.00 cash.

Maniniwala na sana­ ako kay Ariel Magbanwag, spokesperson ng New People’s Army sa Bukidnon kung bigas lamang ang kanilang kinuha. At hindi ako naniniwala sa kanyang alibi na ipamamahagi nila ang mga sakong bigas sa mga residente sa Bukidnon. Ito ay dadalhin lamang nila sa kanilang kampo upang sila-sila ang makinabang sa kanilang kinulimbat. Ang kanilang ginawa ay isang pagnanakaw.

Na labag sa ating batas. Katakot-takot pang alegasyon ang ibinato kay Councilo­r Bernal. Nagsikap ang tao upang magnegosyo ng legal subalit nanakawin lang pala ng mga taong-labas. Saan ang hustisy­a nito?

Related Posts

ANDRES A. LAXAMANA
Lipa City, Batangas

***

Dear Editor:

Huwag nating gawing isang malaking isyu ang nangyari sa bakbakan ng tropa ng Amerikano at ng ating kapulisan sa Palawan. Ito ay usa­ping pang­kalasingan. Kahit sino kapag nakainom na ay talagang wala na sa hustong kaisipan.

Wala ng sinasanto at wala ng pakialam kung saan sila naroroon. Kapag nahimasmasan na saka ito hihingi ng patawad sa kanyang mga nagawang saliwa sa kagandahang asal. Bigyan natin ng pagkakataon na maka-move on ang magka­bilang-panig. Huwag na nating sakyan ang isyung ito para hindi na lumaki ang isyu.

MIGUEL A. SER­RANO