Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leviste asam ang Olympics, SEAG

0 57

Nahihirapan, pero sumusunod pa rin sa safety guidelines at health protocol ang equestrienne star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang pansariling kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa dalawang balak lahukang paligsahan sa papasok na taon.

Ang mga ito ay ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa Hulyo 23-Agosto 8 ng nasabing taon, at mas maagang 31st Southeast Asian Games 2021 sa Nobyembre 21-Disyembre sa Hanoi, Vietnam.

Nagsi-self training camp muna sa Leviste Equestrian Park sa Lipa City, Batangas ang 47-anyos, may 5-2 ang taas at tubong Maynila na dalaga.

Kinailangan aniya ng equestrianne na tumuntong pa sa isang hagdan upang masubukan na makasampa at masakyan ang bago niyang kabayo na si Flo.

“Contactless mounting. Here with Flo @mika_arroyo and her groom Mike Liwanag @edlynliwanag,” caption ni Leviste sa kanyang social media post sa levisteequestrianpark_leep nitong Miyerkoles.

Isa lang si Leviste sa mga national athlete na nasa pangangalaga ng Philippine Sports Commission (PSC) at Equestrian Association of the Philippines (EAP) na naghahangad na mag-qualify pangalawa niyang quadrennial sportsfest sa may 20 taon o pagkaraan ng 2000 Sydney kung saan lumagak siya sa ika-61 puwesto . (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.