Abante Tonite Interactive

Leyte palalaguin sa turismo

347

Palalaguin ang bayan ng Burauen, Leyte dahil sa nakikitang magandang potensyal na gawing turismo at bansagan bilang Spring Capital of Leyte.

Nakipag-ugnayan na ang local go­vernment ng Leyte sa ilang industry experts kung paano mapalalago ang eco-tourism sites ng bayan.

Kabilang sa mga sumusuporta nito ay sina former actress and UN Sustainable Development Goals Advocate Antoinette Taus, former Tourism Secretary Mina Gabor, at Asean Center for Biodiversity Director Mundita Lim.

Ayon kay town Mayor Juanito Renomeron, humihingi na sila ng tulong para mapalago at mapapalakas ang pagpapaganda ng Burauen Eco-tourism and Sustainable Tourism (BEST) project.

“Nagnanais kami na magkaroon ng pagbabago sa lugar at alam naming meron kami kaya humingi kami ng tulong para mapaunlad ang aming ekonomiya sa pamamagitan ng pag-deve­lop ng turismo at mabago ang pamumuhay ng mga residente,” ayon sa alkalde.

Dagdag pa ng alkalde na maraming turista ang dumarayo sa kanilang lugar para makita ang malamig na spring resorts lalo na kapag bakasyon na alam nilang maaari pa itong maayos dahil maraming potensyal na maaaring ga­wing eco-tourism ang bayan.

Related Posts

Pangungunahan ito ni Joselito Costas, founder ng Grassroots Tra­vel, ang namahala sa development and promotion ng Bojo River sa Aloguinsan, Cebu.

Naganap noong August 2 ang kauna-unahang tourism summit na dinaluhan ng mga market development, heritage, civil society and private sector partnership, farm tourism, and conservation, village officials, leaders ng people’s organization, at mga investors.

Ang mga eco-tourism sites ay makikita sa Matin-ao, Tambis, Villa Rosas, Abuyogon, Cansiboy, at Kagbana at ang Mahagnao Volcano Natural Park, na isang national park noon pang 1937.

Makikita rito ang lake, falls, multi-colored mud, virgin forests, at lagoon. Ang Mahagnao ay 18 kilometers mula sa town center ng Burauen na mula sa salitang “burabod” o “tagsibol”, “spring”.

(Vick Aquino)