Abante Tonite Interactive

LGBA and Friends derby nina Grace, Rolan & Jaja

184

May suporta ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), handog ng Pasay City Cockpit ang LGBA Staff and Friends 4-Stag Derby sa Lunes, Disyembre 16.

Mga natitirang winner stag sa nakaraang derbies ang isasagupa sa palabang ito nina LGBA staffers Grace Apan, Rolan, Jaja at Friends.

Isponsor ang Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000, inaabangan din ang National Clean Up 5-Stag Derby sa December 20 na pasabong ng Don Robert group at ni PCC pit manager Gerald Go.

Sigurado rito ang 100 sultada.

Huling paderbi ng PCC para sa 2019 ang taunang SEGBA United 6-Stag Derby sa Dec. 27.

Sa mga detalye pa, kausapin o i-text si Erica sa 0945-4917474, o si Ace sa 0939 4724 206, 8843-1746 at 8816 6750. (Enjel Manato)