Abante Tonite Interactive

LGBA ‘Digmaan’ sa Pasay ngayon

406

MAY garantisadong prem­yo na P70 milyon, lilipat ang “PFGB Digmaan 1 – Stag National Derby” sa Pasay City Cockpit ngayon, Huwebes, Nov.28.

Tatlong sultador na may perpektong 11 puntos ang mga kampeon nitong 2018 ‘Digmaan’ na humatak ng halos 6,000 entries.

Mga miyembro naman ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) at ilang guest participants ang kakampanya sa kampeo­nato sa 3-stag elims ngayon hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

May ‘Digmaan’ 3-stag elims din sa Lunes, Dec. 2, ani LGBA president Nick Crisostomo.

Naghahanda ang LGBA at 11 pang teams sa “Encuentro 5-Stag Derby Part 4” sa Dec. 6 tampok ang 150 sultada.

Bukas, Biyernes, Nob. 29 ang “Frankie and Friends 5-Stag Derby” na susuportahan ng EMB group, PCC pit manager Gerald Go at Jerald Picazo.
Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)