Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LGBT member sa drug watchlist, dinakma

0 87

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawa katao kabilang ang isang tomboy o LGBT na kapwa nasa drug watch list sa buy bust operation kamakalawa sa Paco, Maynila.

Nasa kustodiya ngayon ng MPD-DEU ang suspek na sina Marife Bunaga, 37; at Roberto dela Cruz, 46, kapwa taga-Paco, Maynila.

Ang dalawa ay naaresto matapos makabili ng shabu ang poseur buyer sa loob ng tinitirhan nilang bahay alas-8:30 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu na may street value na P244,800 at P200 marked money.

Nabatid na matagal nang sinusubaybayan ang iligal na aktibidad ng dalawa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.