Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LGBT na totoy tinurbo ng kabaro

0 96

Swak sa piitan ang isang sinasabing bakla nang pagsamantalahan ang binatilyong kaibigan na miyembro din umano ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) sa kanyang tahanan sa Quezon City, nitong Lunes.

Sa naantalang report sa Pasong Putik Proper Police Station (PS-16) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-5:00 ng umaga nang maganap ang panghahalay sa biktima sa tahanan ng 22-anyos na suspek sa Zabarte, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Julie An Gamora ng PS-16, matapos maglaro ng volleyball sa isang covered court sa Caloocan City ay niyaya ng suspek ang biktima at iba pang mga kabigan na mag-inuman muna sa bahay nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang malasing ay nakitulog na umano ang biktima sa bahay ng suspek pero habang nasa kahimbingan ng tulog ay hinubaran ito ng suspek at pilit na ipinasok ng ari nito sa kaniyang puwitan.

Pumalag ang biktima subalit hinawakan siya nang mahigpit ng kaibigan saka sinakal hanggang sa maisaktuparan ang pagnanasa.

Pag-uwi ay nagsumbong sa magulang ang totoy kaya ipinaaresto ang suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.