Abante Tonite Interactive

LGBTQ member na most wanted timbog

303

Nasakote ng mga awtoridad ang isang lala­king itinuturing na Top 10 Most Wanted Person ng Novaliches Police Station (PS-4) dahil sa kasong tangkang pagpatay sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Ronnie Montejo ang suspek na si , 28-anyos, miyembro ng LGBTQ at residente ng 1 Duhat St., Area 5, Brgy. Capri Novaliches.

Si Bolival ay inaresto ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Attempted Homicide na inisyu ni Judge Rebecca Guillen-Ubaña, Presiding Judge, ng Quezon City Municipal Trial Court, Branch 32, dakong ala-4:30 ng madaling araw (January 14) sa Nova’s Spot, Brgy. Novaliches Proper.

Nagtakda naman ang hukuman ng P36,000 na piyansa para sa pansa­mantalang paglaya ng suspek. (Dolly Cabreza)