Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LGU driver nirapido ng 19 bala

0 44

Labingsiyam na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang drayber ng local government unit sa Cagayan matapos siyang pagbabarilin ng diumano’y riding-in-tandem, kamakalawa sa naturang bayan.

Kinilala ng Tuao Police Station (TPS) ang biktima na si Jeffrey Cuaresma, 44-anyos, driver ng munisipyo ng Tuao, Cagayan.

Sa report, ayon sa TPS, kararating umano ni Cuaresma sa kanyang bahay sakay ng kanyang motorsiklo nang paulanan ng bala ng dalawang kalalakihan na kapwa nakasuot ng face mask, helmet at itim na jacket na lulan din ng motorsiklo.

Sinabi ng pulisya, nagtamo ng 19 tama ng bala ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober ng mga imbestigador mula sa crime scene ang 23 piraso ng basyo ng .9mm pistol, walong basyo ng bala mula .45 pistol at tatlong deformed slug na iba pang mga bala.

Dito, agad inatasan ni Cagayan Police director P/Col. Renell Sabaldica ang Provincial Investigation Unit na bumuo ng special task force para resolbahin ang pamamaril. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.