Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LGU kinalampag ni Isko sa basura

0 64

Hinimok ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga kalapit na local government units (LGUs), na maging mahigpit sa pagsasaayos at pamamahala ng mga basura na nasa ilog at mga estero lalo na iyong mula sa mga pabrika, dahil tiyak aniyang magdudulot rin ito ng polusyon maging sa Maynila.

Sinabi ni Moreno, lahat kasi ng basura mula sa kanluran hanggang silangan ay napapadpad sa Maynila kaya sila ang nagiging ‘tagasalo’ ng mga ito.

Ayon kay Moreno, ang isang LGU na nasa boundary nila ay maraming basura at sila pa ang naglilinis nito bilang pagpapakita ng sinserong pagsusumikap na matugunan ang problema sa basura sa mga estero at pakikiisa na rin sa Metro Manila Development Authority (MMDA). (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.