Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LGU kinalampag sa pananalasa ni ‘Ulysses’

0 323

Inalerto ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko at lahat ng local government units (LGUs) sa bansa partikular na ang mga nasa Bicol Region at mga kalapit na lugar, na agad na magpatupad ng Oplan Listo protocols, at maging ‘visible’ sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa.

Sa isang pahayag, hinikayat rin ni DILG Secretary Eduardo Año ang publiko na tumalima sa ‘preemptive evacuation procedures’ na ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan partikular na ang mga naninirahan sa mga mabababang lugar, upang makaiwas sa anumang panganib na dala nang pag-landfall ni ‘Ulysses.’

“The DILG, together with the rest of the National Disaster Risk Reduction and Management Council, expect the citizens’ participation, cooperation and discipline as we prepare for the advert effects “Ulysses” may bring,” ayon kay Año.

Kasabay nito, inaasahan rin naman ng kalihim ang lahat ng LGUs na mag-establisa ng critical preparedness actions at ipatupad ng Operation LISTO Protocols. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.