Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LGU, NTF-ELCAC binulilyaso ‘permit to campaign’ ng mga rebelde

0 79

Malaki ang naimbag ng mga local officials sa National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) para masawata nitong nakalipas na halalan ang pangingikil ng mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) USec Jonathan Malaya kahapon sa isinagawang press briefing ng NTF-ELCAC hinggil na rin sa matagumpay na pagtigil sa pananakot na ginagawa ng mga rebelde.

Sinang-ayunan ni Malaya ang ulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang mga politiko o local government unit (LGU) officials na sumang-ayon sa ginagapang na ‘permit to campaign’ ng mga komunistang-terorista.

Kasabay nito ay pinuri rin ni Malaya ang hakbang ng task force na wakasan ang pagmamalabis ng mga komunistang-terorista. “This is not just the DILG, but the entire NTF-ELCAC that vigorously reminded local officials.”

Aniya pa, ang pagkilos na ito ng pagsasama-sama ng lahat ay nauwi rin mababang bilang ng mga ‘election-related violences’ (ERV), na 20 lamang na insidente ang naitala ngayong eleksiyon, kumpara noong 2010 elections na may 166 insidente at 133 ERV naman noong 2016 elections.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge, PLtGen Vicente Danao Jr., sa kabilang banda ay naghayag na naranasan ng bansa ang pinakapayapang halalan, at ang mga politiko ay nagtanda na, upang umiwas sa pangingikil ng mga rebelde na naging dahilan ng kanilang paghina.

Si Col. Ramon Zagala, taga-pagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagsabi na ang magandang komunikasyon sa bahagi ng pamahalaan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC at mga lokal na opisyal ang nagpapababa sa bilang at lakas ng CPP-NPA-NDF.

Pinatunayan din ito ni Davao Oriental 1st District, Congressman-elect Nelson Dayanghirang.

“Because we always emphasize good governance. One government giving services to the people. Very unpopular na ang CPP–NPA in our province. Nagkaroon na kasi ng pagkakaisa, malaki rin ang role ng mga barangay officials.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.