Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LGU, pribadong sektor isama sa IATF – Tolentino

0 106

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino na isama ang mga local government unit (LGU) at pribadong sektor katulad ng mga negosyante sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Tolentino, chairperson ng Senate committee on local government, kailangang magkaroon ng boses ang mga LGU at pribadong sektor sa IATF na siyang nakatutok sa pandemyang dala ng COVID-19.

“Mahirap naman po nag-i-impose lang po sa itaas, `yong pasusunurin malalaman na lang po `yong mga dapat gawin sa balita, sa radyo, sa telebisyon,” sabi ni Tolentino.

“Dapat kasali po sila sa table, sa lamesa, sa pag-uusap para po maiwasan na po natin ang ganitong hidwaan, considering that LGUs are the first and last institutional frontliners in this war,” dagdag ng senador. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.