Abante Tonite Interactive

LGU, pribadong sektor kinalampag ng DA kontra ASF

152

Hinimok ng Kagawaran ng Agrikultura ang mga local na pamahalaan (LGU) at pribadong sektor na makipagtulungan para labanan ang African swine fever (ASF).

Ayon kay DA Secretary William Dar, mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga LGU at pribadong sektor para masugpo ang ASF.

Ang tanggapan ng DA ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga samahan ng veterinarian at mga magbababoy para mapalawak ang kasalukuyang biosecurity at quarantine measure upang makontrol at masugpo ang pagkalat ng ASF sa bansa.

Ginawa ni Sec. Dar ang panawagan sa ginanap na International Farmers Summit sa SMX Convention Center, sa Pasay City noong Miyerkoles nang hapon.

“This is the time to unite and be part of a national movement to eradicate the African swine fever. It is important to understand the potential impacts of ASF, so we can prepare this early the alternative plans and recovery plans,” ani Dar.

Inanyayahan din ni Dar ang mga ito na mag-volunteer at makibahagi sa ASF Crisis Management Task Force (CMT) ng DA sa pagmo-monitor at pagkalap ng tamang impormasyon at pagpaplano kung paano makokontrol ang pagkalat ng ASF.

“It will be the whole of the nation movement led by you,” pahayag ni Sec. Dar. (Riz Dominguez)