Abante Tonite Interactive

Liam may bagong dyowa

615

Finally, may bago nang nilalaman ang puso ng ex-husband ni Miley Cyrus na si Liam Hemsworth. Nitong nakaraang Linggo lang ay naispatan ang aktor na nakikipaghalikan sa “The Hunger Games” actress na si Gabriella Brooks.

Laman ng paparazzi shots mula sa New Idea Mag ang larawan nilang tila komportable na sa isa’t isa. Nagtatawanan din sila habang naglalakad patungo sa dagat ng Byron Bay.

Nagsimula silang ma-link nitong Pasko matapos ipakilala ni Liam si Gabriella sa kanyang mga magulang.

Ayon sa Insider ng US Weekly, “Liam feels comfortable with Gabriella. His family approves of her and really likes her, which is very important to him.”

Talagang masaya na ang ex-couple na sina Miley at Liam sa kanya-kanya nilang buhay-pag-ibig. Subalit bago ma-link si Liam sa ibang babae, nauna nang lumablayp si Miley sa singer-actor na si Cody Simpson matapos ang kanilang hiwalayan. (Ronaline Avecilla)