Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libangan sa gitna ng pandemya

0 366

Lagpas isang taon na ang COVID-19 pandemic at hanggang hindi natatapos ang krisis hindi pa rin mawawala ang takot takot, pangamba at pagkabalisa.

Kung mental ang pag-uusapan, talagang apektado ang lahat lalo na’t hindi normal ang nangyayari sa ating buhay, malayo sa nakasanayan natin dati na maayos na buhay, walang takot, walang pangamba.

Bagama’t isa tayo sa mga nagwo-work from home, minsan naiinip ka rin sa bahay. Kaya’y kailangang mong mag-isip ng ibang paraan para libangin ang iyong saril. Magsasawa ka rin sa panood ng Netflix o maglaro ng mobile games.

Kaya isa naisipan kong pagka-abalahan ngayong pandemic, ayusin ang aking mga halaman. In-short, na akong Plant-TATAY. Hindi plantito-kundi certified Plant-TATAY!

Actually, bago pa ang pandemic, matagal na akong may mga halaman. Hilig ko na talaga ito, namana ko sa aking mga yumaong magulang. May ilan na akong halaman na inalagaan before at matapos ang ilang taon, heto’t mula sa small eh giant na itong ilan sa mga philodendron plants.

Nang dahil sa pandemya, nagkaroon ako ng sapat na oras para ayusin ang aking mg halaman. Hindi tulad dati na maaasikaso ko lang kapag weekend. Ngayon kasi everyday mo silang nakikita at naalagaan. Malaking bagay.

Dati rati, tatlong variety lang philodendron – ang paborito kong collection ng halaman – meron ako sa aking mini garden. Pero dahil nahumaling ako sa ganda ng philodendron, hindi ko na mapigil mag-collect nito since nagsimula ang ang pandemic.

Marami kasing variety ang philodendron. Sa pagkakaalam ko, parang 450 plus ata sila. Mula sa common, semi-rare at super rate na variety na talaga namang attractive sa paningin ng taong mahilig sa plants, partikular sa kanilang shape, size at color.

Medyo may pricey o mahal ang philodendron pero may ilan na mura lalo na yung mga common philodendron. Pero ang kagandahan ng philodendron plants, low maintenance siya basta’t alam mo ang tamang pag-aalaga sa kanila.

Sa ngayon, almost 60 na ang aking collection ng philodendron plants, from common to rare at masaya ako sa aking nagawa sa loob ng isang taon at dalawang buwan na pananatili sa bahay dahil sa pandemya.

Bukod sa nagkaroong ng close family ties, naasikaso ko rin ang paborito kong libangan – ang paghahalaman.

Hindi lang naman philodendron ang mga halaman. Meron din iba tulad ng mga alocia at makulay na dahon ng aglaonema na nakakadagdag kulay sa aming mini garden na pinaglayan ko pa ng double net para maproteksiyunan sa sobrang init sa kasalukuyan.

Magandang stress reliever itong libangan nito. Sa halip na tumutok sa social media, dito na lang ako nagbabad sa aking mini garden na puno ng greens, na paboritong kong kulay at talaga nakaka-relax sa tuwing nakikita mong yumayabong ang iyong mga halan.

Kalalaki kong tao pero ang hilig ko sa halaman. Grateful ako sa aking mga magulang dahil naturuan nila sa tamang pag-aalaga nito at nagamit ko sa kasalukuyan. Kung nagawa ko, kayo ring mga haligi ng halaman na katulad ko ay kayang gawin ito. Bakit hindi hindi n’yo subukan?

Leave A Reply

Your email address will not be published.