Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Libel case vs Veterans bank ibinasura ng Antipolo court

0 33

Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Antipolo ang reklamong libelo na isinampa ng kilalalang food chain laban sa mga opisyal ng Philippine Veterans Bank (PVB).

Nabatid na idinemanda ng PVB ang food chain na kilala sa tawag na Cravings, matapos mabigo ang kompanya na makapagbayad ng P43 million loan sa nabanggit na bangko.

Batay sa mga dokumento mula sa Antipolo Prosecutor’s Office, lumilitaw na inihain ng Cravings Food Services Inc (CFSI) ang reklamong libelo noong Pebrero 26, 2019 sa alegasyon na sinira umano ng PVB ang reputasyon ng kanilang kompanya nang magsampa ito ng civil case laban sa kanila.

Base sa resolusyon na may petsang Marso 7, 2019 ay inaprubahan ni Antipolo City Prosecutor Mari Elvira Herrera ang pagbasura sa libel complaint na kung saan naghain ang CFSI ng motion for reconsideration pero nanindigan ang piskalya sa kanilang desisyon at ipinawalang-saysay ang apela sa resolusyon noong Oktubre 23, 2019. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.